2nd science and technology-online writing competition
2nd Science and Technology Online Writing Competition
October 24, 2016
Pilar Sunday's Creativity Session
Sunday’s Creativity Session: Developing 21st Century Skill
November 1, 2016

Gabay sa Pagbaybay, Isinagawa

Pilar Reading Center Gabay sa Pagbaybay

“Hindi natitigil ang pagkatuto dahil sembreak.”

October 24, 2016- Sa unang araw ng sembreak, nagkaroon ng gawain sa PRC na tinawag na #GabaySaPagbaybay. Ito ay may layuning makadagdag kaalaman sa tamang pagbaybay pasalita man o pasulat at makatulong sa mga batang magkaroon ng dagdag na salita sa kanilang bokabularyo.

Nahati ang labinlimang mga bata na nagsipagdalo sa tatlong pangkat. Bawat grupo ay nagpamalas ng pakikinig, talas ng isip at angking galing sa laro. Sila ay nagkaroon ng labanan ng pagbaybay ng tig-lilimang salita sa madali at katamtamang mga salita.

Sa huli, ang pangkat na GS na pinamunuan ni Ezra Orteo, Grade 6, ang naguwi ng kampyonato na nakapagkamit ng pinakamataas na puntos na sinundan ng SS para sa ikalawang pwesto, SG naman para sa ikatlong pwesto.

Ang bawat batang kalahok ay napaalalahan din na sa bawat kompetisyon ay may panalo at talo. Sa unang araw ng sembreak learning activities sa PRC, sila ay naturuan ng pagbaybay at natutunan ang pagtanggap ng pagkatalo at pagiging masaya sa tagumpay ng iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *