


Makibahagi sa #TulongDunongProject. Ito ay isang proyekto na naglalayon na makapangalap ng mga luma o bagong kwaderno, bolpen, lapis, papel, bag o iba pang mga kagamitang pang-eskwela bilang paghahanda sa pasukan ngayong Hunyo 2016.
Naniniwala kami na ang batang ‘handa ang kaisipan’ at ‘handa sa kagamitan’ ay handa sa hamon ng pag-aaral at pagsisikap. Maging isa sa mga taong makapagbibigay inspirasyon sa mga batang nangangailangan!
Isang kwaderno ay nangangahulugang isang dagdag pag-asa sa isang bata! Maki-isa sa aming adbokasiya para sa #HandangBata para sa Hunyo.