PARENTS AT HOME, TEACHERS AT HOME
July 1, 2020

Oplan Batang Handa 2020

Bilang pagdiriwang ng 10th Foundation Anniversary ng Pilar Reading Center ( PRC) ngayong July 2020, ating inilunsad ang #OplanBatangHanda sa pakikipagtulungan sa ating dear stakeholders.

Ito ay upang mas mahikayat at mas mapayabong ang antas at pagnanais ng ating mga learners at literacy partners ( parents) para sa kaligtasan at kahandaan ng kanilang mga kaisipan, kaalaman, kaugalian at kakahayan tungo sa New Normal. Nabuo ang programa upang mas ma-sustain ang pag-aaral habang nag-aantay ng pagbubukas ng klase sa Agosto at upang maipagpatuloy ang mga nasimulang pag-aaral sa Project PACE. Nais rin ng programang ito na sila ( mga bata at mga magulang) ay maihanda sa pagbubukas ng klase at mas maipaliwanag sa mga magulang at mga mag-aaral ang tinatawag na remote learning o distance learning.

Bilang pagdiriwang ng ating #IsangDekadangSerbisyo, ilulunsad rin natin ang ating mga satellite PRCs sa mga piling barangay ng Pilar na mayroon tayong regular learners at Reading Camp attendees, at kung papalarin ay makabuo, at masimulan ang isang YT Channel.

Special thanks to TV Patrol Bicol for this feature aired on June 22, 2018.

https://www.facebook.com/watch/?v=1925331260845029

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *