EDC nagdagdag energhiya sa PRC
EDC nagdagdag enerhiya sa PRC
September 15, 2016
tulay community
Tulay Community – Tulay ng Pagbabago…
September 24, 2016

Bawat Graduate ay Bayani; Dapat Silang Tulungan Makamit Ang Lisensya.

pilar reading center project-bayanihan

pilar reading center project-bayanihan

Maraming salamat po sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aming #ProjectBayanihan2016. Maraming salamat sa mga nagkaloob ng bond papers, lapis, pambura at pantasa. Maraming salamat din po sa mga taong nagpalakas ng loob at nanalangin para ipagpatuloy ang aming gawain para sa mga susunod na guro ng #Bayan. Sila ang susunod na magiging guro ng ating mga anak. Sila ang magiging tagahubog ng kaisipan ng mga susunod na henerasyon.

Naniniwala ang Pilar Reading Center na “Bawat Graduate ay Bayani; Dapat Silang Tulungan Makamit Ang Lisensya.”

Ang lisensya ang hudyat at simula. Ito ang katunayan ng sikap at tyaga ng bawat graduate na nagnanais na makapagturo. Upang makamit iyon, kailangan ng mga bayaning ito ang tyaga, sikap at suporta ng bawat isa.

Maraming salamat sa #Bayanihan!

Naramdaman po namin ang inyong suporta. Sa lahat ng mga naging tagapagturo ng ating mga bayani, Sir Jerry Noveno of Pisay- Bicol, Goa, Camarines Sur, Sir Ryan Casulang and Sir Earl Calingacion of Ligao NHS, Ligao City, Albay, sa aming review promoters, Pres Arvie Nasayao and Sec Yin Marticio, sa lahat na naging review facilitators mula sa simula hanggang sa kasalukuyan, kay Mam Elenor Obligar ng PNCHS na nagpaunlak sa amin para makatuloy sa PNCHS, kay Ptr Ronnie at BBC Pilar sa pagpapatuloy sa amin sa kubo ng kaalaman at sa bawat isa na nakibahagi at naniniwala sa “pagtutulungan”, maraming salamat po!

Salamat sa mga kapwa Pilarino at Donsolano na naniniwala na kaya natin, na makakaya natin, na kakayanin natin. Ang programang ito ay para sa inyo. Ang #ProjectBayanihan ay bunga na kaisipang nais makatulong sa kapwa Pilarino para sa ikasusulong ng ating bayan.

Kay Anezz, Troy, Sha, Marj, Ermz, Abby, Ate Nens, Mhean, Shar, Joy at sa lahat, salamat sa tiwala nyo sa PRC. Salamat sa tyaga, tawa, pasensya, biruan, at walang tapos na pagsusulit. Salamat sa nabuong samahan! Salamat sa nabuong pagkakaibigan mula sa ating review sessions.

Maraming salamat po! To God be the glory!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *