pilar reading center project-bayanihan
Bawat Graduate ay Bayani; Dapat Silang Tulungan Makamit Ang Lisensya.
September 24, 2016
pilar-reading-center progress
Progress Check Up held, 37 Kids Attended
October 17, 2016

Tulay Community – Tulay ng Pagbabago…

tulay community

tulay community

Ito po ang #TulayCommunity. Dito nagsimula magsilbi ang Pilar Reading Center noong 2010 at ngayo’y nagpapatuloy. Pinaglilingkuran ng Pilar Reading Center ang mga bata mula rito kasama na rin ang kanilang mga magulang. Sa Tulay Community na ito, mayroon pa lamang na tatlong (3 ) ‘college graduates’ simula pa noong magkaroon ng tulay sa mga kabahayaang ito. Sa kasalukuyan, mayroong labingwalo (18 ) pamilya dito sa #TulayCommunity . Pinakamalaking bilang ng anak sa isang pamilya ay walo, pinakamaliit naman ang isa.

Dito sa Tulay Community, Purong Batya, Purok 1, Banuyo, Pilar, Sorsogon, 4714, makikita natin na di hadlang ang kahirapan para sa edukasyon.

Layunin ng PRC sa Tulay Community na ang bawat bata o #Tulay kid sa Tulay Community ay makapagbasa, at maging #Tulay ng pagbabago sa kani-kanilang pamilya.

Nais rin ng PRC na makatulong makadagdag ng mga college graduates at propesyunal na nagmumula sa Tulay Community. Sa kasalukuyan, ang ikatlong college graduate mula sa tulay na ito ay nasa ilalim ng review program ng PRC. Kukuha siya ng Sept 2016 LET.

Tara, sama na! Sama-sama tayong maging #TulayNgPagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *